Mga Katangian Ng Karater Sa Noli Mi Tangere?, Tomo Na Deadline
Mga katangian ng karater sa noli mi tangere?
Tomo na deadline
Katangian ng tauhan o karakter sa Noli Me Tangere
1. Juan Crisostomo Magsalin Ibarra - isang mestisong Espanyol na may pangarap na mapaunlad ang bansa . Idinawit sa naganap na pag-aalsa at itinuturing na "eskumulgado" ng simbahan.
2. Elias - taong nagtatago sa batas at taga-pagligtas ni Ibarra sa mga tangkang kapahamakan . Nagbuwis ng buhay upang mailigtas si Crisostomo Ibarra, alang-alang sa kanyang Inang Bayan.
3. Maria Clara - ang babaeng pinakamamahal ni Ibarra , kilala sa San Diego bilang maganda at mayuming dalaga . Ninanais na ikasal sa isang kastilang si Linares na pamangkin ni Don Tiburcio .
4. Don Santiago delos Santos - siya ang kinikilalang ama ni Maria Clara . kilala siya sa kanilang bayan sa pagiging bukas-palad/matulungin sa nangangailangan. Madalas din siyang magpahanda ng salo-salo kapag may umuuwing bisita.
5. Kapitan Heneral - ang kinatawan ng hari sa Pilipinas ngunit hindi kinikilala ng mga prayle . Siya ang tumulong na mapawalang bisa ang excumunion ni Ibarra.
6. Tenyente Guevarra - ang nagsabi sa tunay na ng nangyari kay Don Rafael .
7. Damaso Verdolagas - isang prayleng Pransiskano at tunay na ama ni Maria Clara . Siya rin ang kaibigan ni Don Rafael na nagparatang sa kanya na erehe at filibustero.
8. Padre Salvi - ang kasalukuyang kura ng San Diego na pumalit kay Padre Damaso. Mayroong lihim na pagtingin kay Maria Clara .
9. Sisa - isang mapagmahal na ina sa kanyang mga anak. Ipinagtabuyan siya sa kumbento ng kanyang hanapin ang nawawalang anak na si Crispin .
10. Crispin - bunsong anak ni Sisa at inakusahang nagnakaw ng ginto ng Sakristan Mayor.
Para sa karagdagang impormasyon bisitahin ang link sa ibaba.
Comments
Post a Comment