Maria Clara Monologue
Maria clara monologue
Maria Clara Monologue
Kilala ako sa lipunan, marami ang humahanga sa aking kagandahan at itoy isang simbola ng tunay na Pilipino.
Napakasaya ko ng malaman ko na babalik dito ang aking kasintahin na si Ibarra. Pero sinarili ko na lang itong taglay kong kasiyahan. Siguradong hahanapin ako ni Ibarra sa kanyang pagbalik.
Malapit na, malapit na ang araw ng aking kasal. pero bakit ganito ang aking nadarama sa halip na kasiyahan, kalungkutan ang aking nararamdaman.
Parang mayroon akong nakikitang anino ng dalawang lalaki sa dakong iyon. Hindi kaya ang isa sa kanila ay si... si... Crisostomo! Ikaw nga! Aking mahal! Napakasaya ko na makita kang muli! Patawarin mo ako dahil si Linares ang pinakasalan ko. Pumayag lang ako dahil gusto ko na mailayo ka sa kapahamakan. Tandaan mo na ikaw lamang ang aking mahal, wala ng iba pa.
Pagkatapos ko siyang mayakap ng mahigpit sa kanyang unti-unting paglayo ay parang unti-unti rin nadudurog ang aking puso. Hindi ko alam kung kailan ko siyang makikitang muli o makakausap o baka hindi na.
Kinabukasan, nabasa ko sa diyaryo na patay na si Crisotomo... hindi ito maaaring mangyari! Hindi ito maaari! Kagabi lamang ay nakita at kausap ko siya! Ngayon, malalaman ko lang na patay na siya at iniwan niya akong mag-isa?! Ngayon, wala na si Crisostomo ay wala na ring silbi ang aking buhay.
Ako ay isang simbolo ng dalagang Pilipina at Ipinapakita ko sa inyo na ang isang tunay na nagmamahal ay handang mag-sakripisyo para sa kanyang mahal. Ang isang tunay na Pilipina ay handang manindigan at handang ipaglaban ang kanyang tunay na nadarama sa kanyang mahal.
Ako po si Maria Clara ang tunay na anak ni Padre Damaso.
Para sa higit pang impormasyon tungkol sa paksang ito, pakisuyong bisitahin ang mga link sa ibaba:
Comments
Post a Comment