Ipaliwanag Ang Winika Ng Matandang Pari, "Makabubuti Sa Atin Ang Pagtuligsa Kaysa Walang Saysay Na Papuri Ng Mga Kaibigan Ng Ating Nasusuhulan.", -Nol
Ipaliwanag ang winika ng matandang pari, "Makabubuti sa atin ang pagtuligsa kaysa walang saysay na papuri ng mga kaibigan ng ating nasusuhulan."
-noli me tangere-
Noli Me Tangere
"Mas makabubuti sa atin ang pagtuligsa kaysa walang saysay na pauri ng mga kaibigan na ating nasusushulan".
Ang ibig sabihin ng mga katagang ito ay mas mabuti na ang marinig natin ang totoo kahit masakit kaysa paasahin tayo sa mga sinasabi sa atin na maganda sa pandinig pero puro pambobola at pang uuto lang naman dahil sa meron silang nakukuhang pabor mula sa atin. Kadalasan, ang pagkakaibigan ay nasusukat sa mga ganitong sitwasyon at masasabi ko na ang totoong kaibigan ay magsasabi ng tapat upang magising tayo sa ating mga kamalian dahil mahal nila tayo at nais nilang maituwid ang baluktot nating paniniwala pero ang mga tao na walang sinasabi kundi puro pabor at maganda sa paningin natin ay hindi naging tapat sa atin sapagkat hinahayaan nila tayong mabuhay sa mga maling paniniwala bagay na lalong nakakasama sa atin sapagkat nakukunsinti tayo sa mga gawang mali. Imbes na tayo ay maging masaya at magkaroon ng kapayapaan, nagkakaroon tayo ng mas malaking problema at hindi tayo natututo na tumanggap ng kamalian sapagkat alam natin na laging may sumasang - ayon sa lahat ng ating ginagawa maging ito man ay tama, nakakasama o nakabubuti para sa atin at sa ibang tao.
Comments
Post a Comment